Haaaay ... Inaantok na bumangon mula sa higaan, sabay sambit na " pasok nanaman"
Tinatamad na pumunta sa banyo para maligo.
Pa kanta-kanta pa habang ngsasabon ng katawan,, pagkatapos ay nagmamadaling ngbihis at patakbo takbo sa harapan ng salamin para mag ayos ng buhok habang nagtotooth brush.
Pag labas ng bahay , Hindi na nakakagulat ng makita ko ng sobra nanaman ang traffic .
"Para" pagkasabi ko ay sumakay na kgad ako. Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa at kinuha ko sa bag ang earphone , sa isip isip ko lang : " makapgsounds nga muna sigurado matagal ang byahe pang alis ng bagot,,"
Hmmmmmm,,, sinasabayan ko sa isip ang love song na " heart like yours" ng willamette stone .
Naalala ko ng nasa elementary pa ko,, puro kalokohan at kahirapan ang dinanas ko, pero masaya ako wala ako pinagsisisihan dun. Baztah makapanood lang ako ng anime sa kapitbahay, usong uso nuon ang zenki, ginagaya pa namin ng mga kababata ko ang ginagawa ng bida,sabay sigaw ng "palakol ni diva"' yaaaaaahhh