November 17, 2014. 10:00 am to 12:00 nn ko ginawa ang tula. Feeling ko may kulang pa. Pero wala na akong mapiga. Dalawang oras akong na-stress habang ginagawa yan. Actually, napanaginipan ko yang concept na yan. Sa panaginip ko kasi, may nakasulat sa bond paper na tula at GAGA yung title. So kinabukasan, isinabuhay ko na ang tula. Feeling ko ito yung pinakachallenging kong tula kasi limitado yung mga salitang pwede kong gamitin. Sa dalawang letra lang dapat magsimula ang bawat taludtod, Letter G at A. Goodluck. Haha. Isa na naman itong mapanghimagsik na tula na naglalayong magbigay ng opinyon sa isyu ngayon at sa mga pwede nating gawin para makaisip ng solusyon. Mapapansin niyong kalat-kalat ang description dahil kalat-kalat din ang tula. Pwede kong sabihin na ang tula kong ito ay kapatid ng tula kong JAKOL. Pareho ng tema at ng gustong iparating. Pero pramis. Ang next poem ko hindi na tungkol sa pulitika at isyu ng bayan. Hahaha.
1 part