Para kay Nhajela ay wala na siyang iba pang mamahalin kundi si Fritz Gerald Romero lamang. Ilan sa mga ugali nito ang gustong gusto niya. 1. Masungit 2. Walang pakialam sa kanya 3. Lagi siyang sinisigawan 4. At tahasan ang pagkadisgusto sakanya. Walang makitang dahilan ang mga kaibigan niya para mahalin niya ito. Pero wala siyang pakialam. Dahil kahit ano pa ang sabihin nila ay tanging ito lamang ang nakikita nang mga mata niya at puso niya. Pero paano kung ang tadhana na ang nagdikta at nakialam. Magagawa pa rin kaya niyang panindigan ang pagmamahal niya dito? O tuluyang ipapaubaya na lang sa tadhana ang lahat.