Si Carlotta Jones, ay isang dalagang hindi pinagpala ng kagandahan base sa kanyang itsura ani nga nila. Maraming nanghuhusga sa kanya dahil sa kanyang mukha at itsura, mukha na para bang isang durian dahil sa dami ng tigyawat at freckles o pekas at pangangatawan na parang isang kawayan dahil sa maitim at sobrang kapayatan na pangangatawan. Morena ang kanyang balat at masasabi mo talagang parang hindi siya kumakain araw-araw dahil sa kapayatan. Mahirap lamang si Carlotta, pinanganak sa lansangan ani nga ng kanyang ina na namayapa limang taon ang nakalipas, hindi nakilala ni Carlotta ang kanyang ama dahil sabi nga nito ng kanyang ina na nung nalaman pa ng ama nito na nabuntis siya nito eh nilayasan na kaagad siya at hindi na ito muling nagpakita o nagparamdam man lang sa kanila. Kaya lumaking mag-isa nalang si Carlotta sa edad na disinwebe anyos, nag-iisang anak lamang siya at wala siyang mga kapatid ngunit sa paglipas nang mga araw pagkatapos namatay ng kanyang ina, kinupkop siya ng kaniyang tiyahin na sobrang sama ng ugali sa kanya at talaga namang hindi siya gusto nito, ngunit wala siyang magawa dahil wala na siyang matitirahan pa. Naging miserable at hirap ng naging buhay ng dalaga sa mga kamay ng tiyahin niya ngunit tiniis na lamang niya ito para lang may matirahan at makain. Nag-aaral at nagta-trabaho na ang dalaga sa murang edad pa lamang nito para lang makaahon sa kahirapan. Ngunit isang araw habang binu-bulluy siya ng kanyang mga kaklase ay biglang may lumapit sa kanyang binata na parang isang anghel dahil sa taglay nitong sobrang gwapo, maputi at makinis na mukha. Bigla na lamang siya nitong nilapitan at hinawakan ang kanyang mukha na siyang ikinagulat niya nang sobra. "Are you okay?" Mababakas ang pag-alala sa mukha ng binata habang tinatanong ito. Ang dalaga naman ay hindi nakakilos at nakatunganga lamang na pinagmamasdan ang mukha ng binata.