Minsan masaya, minsan malungkot. Minsan maayos, minsan magulo. Sa bawat minsang nadarama, idinaan ito sa madalas na pagsulat. Ang madalas na paglikha ng mga pyesa - ibinaon sa kaibaturan ng puso na ngayo'y nais ilabas sa mundo. Ilalabas paunti-unti... bawat isang piraso ng mga bagay na naisulat ko. Nais sanang isigaw ngunit hindi pa kaya... kulang pa sa lakas ng loob, kulang pa sa boses, kulang pa... kaya ngayon idaraan muna sa bulong. Maaaring mahina ngunit mas mabuti na ito kaysa sa wala. Ito ang mga bulong sa kalawakan.