Sa bawat bayan ay may kaniya-kaniyang kwentong kababalaghan, mga kwentong nakatatak na sa bawat barangay, hindi mawawala ang mga kwentong kababalaghan lalo na sa mga paaralan, nariyan ang kwento ng white lady na nagpapakita sa mga lalaking estudyante, pugot na pare na hinahanap ang kaniyang nawawalang ulo, batang naiyak sa banyo ng mga babae, tikbalang, anino na pagala-gala, at kung ano-ano pang kwento na hindi maipaliwanag.