"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa pag-aaral, sa kukuning kurso, hanggang sa kung sino ang mapapangasawa. Lahat ng ito ay kailangang maisakatuparan upang mapanatili sa pamilya at sa kaibigang pamilya ang kanilang mga negosyo at ari-arian. Ngunit hindi naplano ng kanyang mga magulang ang pagiging isang matapang at maabilidad na babae ni Kristina na siyang magdadala sa kanya sa daang salungat sa sinimento sa kanya ng mga magulang. Pero kahit anong iwas niya, kahit anong takbo niya, kahit anong pakikipaglaban niya, hindi siya manalonalo. Hindi siya makatakas. Hindi makalaya. Kahit ganoon, paulit-ulit siyang babangon, papaulit-ulit na lalaban magtagumpay lang. Hindi niya hahayaang hindi maging para sa kanya ang mga pangarap niya kahit pa ipinakasal na siya sa lalaking kinamumuhian niya.
101 parts