Lahat tayo ay nagdaan sa panahong nagkaroon tayo ng crush. Madalas na depensa pa nga sa simpleng kalandian na ito ay ang salitang inspirasyon. Masarap balikan ang mga panahong nagnanakaw ka ng tingin sa kanya tapos nahihiya ka pag nahuhuli ka niya. Kalaro, kaibigan, kababata gang sa lumaki kayo, kayo padin ang magkasama. Hanggang sa di mo namamalayang ang simpleng paghanga mo sa kanya, mag uugat ang isang damdaming magbibigay sayo ng lahat ng matinding emosyon. Ipaalam mo ba? O mananatili kana lamang na nakamasid at tahimik na iibig. Hihilingin mo ba na maging kayo? O hihintayin mong maunahan ka ng iba.
46 parts