Warning! +R18 "Hindi na baleng ako ang mahirapan, huwag lang ikaw ang masaktan." -Chanley Lorenzo Sa pagbalik ni Chanley sa buhay ni Clifford, ang hangad niya ay kapatawaran dahil sa pag-iwan niya sa lalaki. Pero ang hindi niya inaasahan, ang kapatawaran na nais niya ay parusa at kalupitan pala sa kamay ng dating asawa. Kalupitan na hindi lang katawan at puso niya ang nagdurusa. Kundi binabalikan pa siya ng bangungot ng nakaraan na naging dahilan ng pag-alis niya. Makakayanan kaya ni Chanley na lagpasan ang lahat ng mga pasakit na binibigay sa kany ni Clifford? O mas pipiliin na lang niyang takasan ang mundong naging malupit sa kanya?
More details