Lahat ay may umpisa at lahat ay mayroong pagtatapos. Tayo'y ipinanganak upang mabuhay, at tayo rin ay nabubuhay upang sa bandang huli'y tayo ay mamamatay. Ang bawat nakikita sa daigdig na ating ginagalawan ay may umpisa at pagtatapos gaya ng nobelang inilathala - may umpisa at pagtatapos. Ang mundo ay bilog. Ang proseso ay bilog. Sa ating pagpanaw, ay mayroong panibagong buhay ang sisibol upang palitan ng bagong iyak ang mga huling hanging ating tinataglay. Ang pagtatapos ay isang pasimula, at ang pagsisimula ay isa ring pagtatapos. Ngunit ano ba ang mas mahalaga - simula o wakas?