Lahat ng bagay may pinagmulan. Lahat may simula. Subalit, kailan mo malalaman kung nagsisimula ka na ba? Sa umaga, simula na bang maituturing kapag nagmulat ka ng iyong mga mata? O magsisimula pa lang kapag bumangon ka na mula sa pagkakahiga mo sa iyong kama? Kapag ba nakipagkilala ka sa isang tao, yun na ba ang hudyat ng simula ng pakikipagkaibigan? O kapag handang tumulong sa isa't isa, saka pa lamang kayo magiging magkaibigan? Kapag ba naging crush mo ang isang tao, simula na ba yun para siya ay mahalin mo? Paano mo naman malalaman kung mahal mo na siya?
Sabi nila, ang pagsisimula ang pinakamahirap sa lahat. Kapag daw kasi nakapagsimula ka na, madali na lamang ang mga kasunod. Paano kung 'di mo namalayan na nakapagsimula ka na pala? Magugulat ka na lang, tapos na. Wala na. Hindi mo man lang maiisip na pahalagahan ang iyong mga karanasan kung sakali mang ito ay magwawakas na nga.
Paano ba magsimula?
Sabi nila, may mga pagkakataon sa buhay na hindi mo inaasahang mangyari. Katulad ng 'pagmamahal'. You'll never know what love could impact on you. Hindi mo alam kung kailan ka magmamahal, kung saan, at lalo na kung kanino.
Love is such a surprise magical thing. You are not aware one morning, when you gradually opening your eyes from a long sleep at night, love is close by, approaching you in any corners of your life. And causing you so much troubles and memories. But definitely gives you so much butterflies in the stomach and colorful youthful kind of real happiness.
Pero paano kung 'yung 'pagmamahal' 'ding iyon ang makakasakit sa'yo? Paano kung 'yung taong din 'yon ang mananakit sa'yo? Hahayaan mo bang 'magmahal' ulit? Hahayaan mo bang masaktan ulit? O tatalikuran mo ang 'pagmamahal' na iyon kasabay ng pagtalikod mo sa mga bagay na magpapasaya sa'yo?
Are you willing to turned your back on that kind of 'love' around the corner?