"Napakaganda ng buwan, hindi ba?" ika niya. Akin tinitigan ang kanyang mga mata na kung saan ay malayo ang tingin sa kalangitan. Balak ko sana sumagot ngunit, agad siyang humarap sa akin, "Sa muli natin pagkikita, akin kagustuhan ay alamin mo dapat ang kahulugan ng akin mga sinabi," muli niyang ibinigkas. "B-bakit hindi mo pa ngayon sabihin?" akin wika. Agad siyang bumuntong hininga at sinabi ang mga huling katagang, "Hanggang sa muling maghanay ang araw at buwan, akin kagustuhan ay maging masaya ka pa rin," aniya kasabay ng matamis na mga ngiti. Ako si Luna Celeste, isang ordinaryong babae na napadpad sa lagusan ng nakaraan. Ilan beses tinangkang umalis ngunit ng siya ay makilala, biglang nagbago ang lahat. Maski ang tibok ng akin puso ay nagbago. Ngunit paano kung tadhana na ang humadlang? Paano ko masasalba ang puso kong ito na lubis na umiibig sa kanya? All rights reserved. May 2021.
1 part