SLAM DUNK: COLLEGE RIVALS SAGA
13 parts Ongoing 📘 Slam Dunk: College Rivals Saga
Fan-Made Crossover ng Slam Dunk at The Hidden Legacy
Pagkatapos ng matinding Inter-High Tournament sa Japan, isang panibagong laban ang haharapin ng mga pinakamahuhusay na high school basketball players - hindi sa loob ng court ng kanilang mga eskuwelahan, kundi sa mas malawak, mas mabangis na mundo ng college basketball... sa ilalim ng isang bandila na hindi kanila.
Si Hanamichi Sakuragi, ang self-proclaimed Basketball Genius, ay biglang tumanggap ng isang tawag mula sa isang misteryosong coach mula sa Pilipinas - si Coach Aira, ng Team Bagong Pag-asa, pambansang koponan ng mga kabataang player na isinilang sa isang Nayon na kilala sa disiplina, pagsasanay, at pusong palaban.
Habang lumilipad patungong Pilipinas, hindi niya alam na hindi lang siya ang "pinili." Kasama niyang bumuo ng bagong pamilya ang ilan sa mga alamat ng henerasyon nila: Kaede Rukawa, Akira Sendoh, Eiji Sawakita, Nobunaga Kiyota, Soichiro Jin, Kenji Fujima, Sinichi Maki, Toru Hanagata, at Michael Okita. Lahat sila - hindi pinayagang maglaro sa Japan matapos tanggapin ang alok ni Coach Aira. Lahat sila - itinakwil ng sariling bansa.
Ngayon, sa piling ng mga kabataang manlalaro mula sa Nayon ng mga Antingerong Albularyo - sina Danny, Jefferson, Jenny, Cherry, at iba pa - magsisimula ang panibagong yugto ng kanilang karera. Dito ay wala nang powers. Wala nang mahika. Tanging galing, tiyaga, at puso sa laro ang lalaban sa mga internasyonal na court.
Ito ang bagong laban. Ito ang bagong pag-asa. Ito ang College Rivals Saga.