Nakilala ni Yohann si Renzo sa nilipatan niyang pamantasan. Itinago niya ang tunay na damdamin para dito hanggang sa hinalikan siya nito at sinimulang ligawan. Alam niyang huhusgahan sila ng mundo ngunit sinunod niya ang tibok ng kaniyang puso. Unti-unti na silang natatanggap ng lahat subalit may patuloy na humahadlang sa kanilang kaligayahan. Nais makipagbalikan dito ni Pauline, ang dating nobya nito at kapatid niya sa ama. Hindi pumayag ang lalaki dahil siya ang mahal nito. Ngunit ano ang gagawin ni Yohann kung ang kapalit ng muling pagtanggap ni Renzo kay Pauline ay ang matagal na niyang inaasam na pagtanggap sa kaniya ng kapatid?