Sa Pagitan ng Pag-ibig at Alaala
18 parts Ongoing MatureAkala ni Amara Elise ay sapat ang pagmamahalan nila ni Zane para mapagtagumpayan ang lahat-hanggang sa isang aksidente ang biglang bumura ng lahat ng alaala.
Pagkagising ni Zane, hindi na si Amara ang nasa puso't isipan niya. Sa halip, ang natatandaan lang niya ay si Rienne Solana, ang matalik na kaibigan ni Amara.
Habang sinusubukang ibalik ni Amara ang mga alaala ng kanilang pag-ibig, si Rienne naman ay nalilito sa damdaming unti-unting nabubuo sa pagitan nila ni Zane. Sa gitna ng sakit, tanong ni Amara: Paano mo ipaglalaban ang pag-ibig kung ikaw na lang ang nakakaalala nito?
Isang kwento ng alaala, pagkakaibigan, at pag-ibig na nasubok ng panahon at trahedya. Sa huli, alin ang mas matimbang-ang puso o ang alaala?
Note: ito ay ang updated version ng aking lumang Nobela na isinulat ko way back 2009. Naisipan ko gawan ng updated version to fit for the Gen Z.
Mababasa nyo ang original novel sa Blogspot ko:
https://kwentongpagibig.blogspot.com/p/my-novel.html