Paano kung nagkamali ka pala sa mga naging disesyon mo. Paano kung ang taong akala mo'y masama ay siya palang may ginintuang puso. Paano mo ihihingi ng tawad ang mga nagawa mong pagkakamali sa taong wala na. Paano kung malaman mong siya pala ang nasa likod ng pag hihirap mo. Paano na kung puro tanong nalang ang nasa isipan mo dahil alam mo namang walang kasagutan ang mga tanong mo dahil wala na sila. Wala na ang taong iningatan mo ang masakit pa ikaw ang dahilan ng pagkawala nila. Paano mong tatanggapin ang nagawa mong malaking pagkakamali. Huli na ang pagsisi mo dahil wala na sila at kahit kailang hindi na sila babalik pa sayo.All Rights Reserved