Story cover for  Takipsilim by karayunnies
Takipsilim
  • WpView
    Reads 4,686
  • WpVote
    Votes 74
  • WpPart
    Parts 4
  • WpHistory
    Time 19m
  • WpView
    Reads 4,686
  • WpVote
    Votes 74
  • WpPart
    Parts 4
  • WpHistory
    Time 19m
Ongoing, First published May 19, 2021
Si Celine - palatawa, palakaibigan, at pinakamabait sa barkada.

Hanggang isang araw, walang balita, walang tawag, walang mensahe mula sa kanya.

lumipas ang mga linggo - hindi na siya muling nakita.

Parang bula siyang naglaho.

Hanggang sa unti-unti na silang nawalan ng pag-asa.

Sa simula, iniisip ng lahat na baka lumayas lang.

Pero habang tumatagal, nagbabago ang ihip ng hangin.

May nagsimulang magtanong.

May nagdududa.

May nagsisihan.

"Patay na 'yon."

"Ano bang meron na hindi namin alam?"

"Baka naman sinaktan siya ng isa sa atin?"

"O baka naman... isa sa atin ang may gawa?"


Ang grupo ng matatalik na magkaibigan ay unti-unting nagkawatak-watak.

May nagkasakitan.

Mga dating tawanan, ngayon ay usapan ng hinala.

Sa bawat pagpatak ng oras, lumalabas ang katotohanang hindi nila inaasahan.

Sa bawat pagbagsak ng katahimikan, may nadaragdag na bangungot.

isa-isang nabubunyag ang mga sikreto.

May mga lihim na ayaw aminin.

May mga inggit, tampo, at galit na matagal nang kinikimkim.

Hanggang sa isa-isa silang napupunta sa dilim.

At ang tanong, muling bumabalik,

isa ba sa kanila ang may gawa nito?

O baka... may mas matagal nang nagmamasid sa kanilang lahat?

at sa gitna ng lahat ng ito...

may isang taong nananatiling tahimik.

Nakamasid. 

Naghihintay.

Laging nakikinig.

Laging nandoon.

Hindi nila alam,
ang sagot sa tanong...

ay nasa mismong tabi lang nila.



minsan, ang pinakatahimik, sila pala ang may pinakamatinding sigaw sa isip.
All Rights Reserved
Sign up to add Takipsilim to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
BOOK 1-AUREN VALTAROS: THE SILENT MIND by christinecanete
79 parts Complete Mature
SYNOPSIS Sa loob ng Valtaros Island-isang malawak, makapangyarihan, at lihim na imperyo na pinamumunuan ng sampung tagapagmanang lalaki-dumating si Celestine Navarro, isang matalinong scholar na may tahimik na lakas at mabigat na nakaraan. Akala niya simpleng pag-aaral lang ang aasikasuhin niya dito. Hindi niya alam, ang pagdating niya ang magiging simula ng pagbagsak at pagkabuo ng isang Valtaros heir. Si Auren Valtaros, ang panganay na tagapagmana, ang pinaka-mysterious at pinaka-delikado sa sampu. Tahimik, walang emosyon, at may utak na parang armas-biktima ng isang sindikatong nag-experiment sa mga bata, bago siya mailigtas ng Valtaros family. Pinili niyang hindi magmahal, hindi magtiwala, at hindi humawak ng sinumang maaaring maging kahinaan niya. Pero lahat 'yon nag-iba nang makilala niya ang babaeng hindi niya mabasa, hindi niya makontrol, at hindi niya maiwasang protektahan. Habang unti-unting nabubuo ang koneksyon nilang dalawa, bumabalik sa isla ang sindikatong sumira kay Auren-at sila rin pala ang pumatay sa ama ni Celestine. Sa pagitan ng mga kidnapping, lihim na operasyon, takot, at pagdurog ng mga nakaraan, unti-unti silang nagiging sandalan ng isa't isa. At sa bawat hakbang na papalapit sa katotohanan, mas lumalalim ang damdamin na matagal nang iniiwasan ni Auren. Hanggang sa ang pagmamahalan nila mismo ang maging susi para tapusin ang sindikato... at simulan ang bagong yugto ng legacy ng Valtaros Empire. Isang kwento ng trauma, paghilom, takot, lakas, at pag-ibig na mas tahimik pero mas malalim kaysa sa kahit anong sigaw.
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) by Vilethornea
43 parts Complete
BNHS #1 Minsan, nahuhulog tayo sa dalawang puso. Ngunit bakit tila hindi pa rin matibag ang alaala ng unang pag-ibig? Siya ang unang nagpatibok ng puso, unang nagbigay ng ngiti at luha, unang nagturo kung paano magmahal at masaktan. Sa kanya natin naranasan ang mga "una"-ang ligaya, kilig, at sakit. Sa kanya natin unang naramdaman na tayo'y may halaga. Ngunit hindi lahat ng nagpapangiti ay nagmamahal. Hindi lahat ng titig ay totoo. Minsan, ang taong akala mong para sa'yo ay may hilig lamang sa paglalaro ng damdamin. Kaya kang pasayahin, pasiglahin, paniwalain na mahalaga ka-ngunit hindi pala ikaw ang pinili. Isang pagkukunwari. Hanggang pareho kayong nasaktan, parehong naging biktima ng isang lalaking hindi marunong makuntento. At dumating ang ikalawang pag-ibig. Marahan, tila lunas sa sugat ng nakaraan. Minahal mo siya-pero bakit may kulang pa rin? Sa bawat sulyap, hinahanap mo pa rin ang titig ng una. Sa bawat haplos, inaasam mo pa rin ang init ng dating damdamin. Hanggang mawala ang tiwala at respeto. At ang relasyon, sa halip na maging tahanan, ay naging tanikala. At sa oras na akala mong tapos na-siya ay muling babalik. Sa gitna ng katahimikan, muli siyang susulpot. Sa oras na natutunan mo nang mahalin ang bago, siya ay magpaparamdam. At ang puso mong pilit nang tumigil sa pagtibok para sa kanya-bigla na namang mabubuhay. Isang sulyap, isang salita, sapat na para balikan ang lahat. Sa ikatlong pagkakataon, ginulo ka na naman ng tadhana. Ayos ka na, handa ka nang mamuhay nang mag-isa, buo sa desisyong piliin ang sarili. Ngunit naroon siya, muling kumakatok. Nagpaparamdam. Umaasa. Kaya mo ba siyang tanggihan? Kaya mo bang talikuran ang pusong hindi mo kailanman lubusang nalimutan? Hanggang kailan mo kakayanin ang siklong paulit-ulit? At kung ang puso mo'y patuloy na tumitibok para sa kanya, may saysay pa bang ipilit ang paglimot?
TWINS FROM STRANGER by EtherealPenchants
8 parts Complete
Bakit kailangang mangyari lahat ng kamiserablehan na ito sa buhay ko? Kaylan ba ako gigising sa isang umaga na hindi iniisip ang mga masasamang mangyayari sa araw na iyon? Bakit kailangan kong mabuhay sa impyernong mundong ito at tanggapin lahat ng pasakit na kahit kaylan ay hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa akin? Yan ang nga tanong na nais masagot ni Alyanna Kaye Desamero habang nasa kasuluksulukan ng kadiliman ng mundo niya. Simula nang magmulat siya sa mundong ito, hindi niya kaylan man natamasa ang pagmamahal at kalinga ng isang magulang sa anak. Hindi niya naranasang maging masaya at magkaroon ng masayang pamilya. Ano bang kailangan niyang gawin para makamit lahat ng iyon? Madilim ang paligid ngunit nararamdaman niya ang init na kumakalat sa buong sistema niya. Ang init ng haplos ng isang hindi kilalang lalaki ang tanging nagbibigay sa kanya ng katiyakan na ligtas siya sa mga braso nito at walang may maaaring makapanakit sa kaniya. Ano nalang ang gagawin niya nang isang araw, nagising siyang may dalawang buhay sa sinapupunan niya mula sa isang estranghero. Paano niya bubuhayin ang nga ito kung kahit ang sarili niya ay hindi niya magawang pakainin ng tatlong beses sa isang araw? Makakaya kaya niyang buhayin ang dalawang anghel na tanging nagbibigay sa kanya ng lakas upang ipagpatuloy ang kaniyang buhay na puno ng kamiserablehan? -------------------- Language: Taglish Genre: Romance Started: February 17, 2024 Finished: March 24, 2024 © EtherealPenchants © All Rights Reserved
Cathaleya by MotonariMitsuMouri
7 parts Complete
Sa ilalim ng mapanlinlang na liwanag ng gabi, umusbong ang pangalan ni Cathaleya isang babaeng kasingganda ng bulaklak ngunit kasinglalim ng sugat na iniwan ng nakaraan. Sa bawat patak ng ulan, may kasamang paghingi ng tawad; sa bawat putok ng baril, may panata ng paghihiganti. Lumaki siya sa mga kamay ng mga madre, pinalaki sa pananampalataya, ngunit sinumpa ng kasalanan ng mundo. Ang kanyang mga magulang ay pinaslang ng mga terorista, at sa paglipas ng panahon, natutunan niyang yakapin ang dilim na minsan ay kinatatakutan niya. Sa ilalim ng alyas na "Ms. Quisto," naglakbay siya sa mga lungsod ng liwanag at kadiliman, taglay ang misyon na burahin ang mga pangalan sa listahan ng mga nagwasak sa kanyang buhay. Ngunit sa bawat pagkitil niya ng buhay, unti-unting nabubura rin ang kanyang pagkatao. Sa pag-usbong ng imbestigasyon ni Diego, isang matalinong opisyal na tila hinahatak ng tadhana patungo sa kanya, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilibing ng simbahan, ng gobyerno, at ng kanyang sariling konsensya. Habang papalapit ang dalawang kaluluwa sa isa't isa ang isa'y naghahanap ng katarungan, ang isa'y naghahangad ng kapatawaran mas lalong humahapdi ang tanong: Hanggang saan ang kabayaran ng paghihiganti, at may kaligtasan pa ba sa mga kamay ng makasalanan? Sa pagitan ng dasal at bala, ng dugo at ulan, sumisiklab ang kwento ng isang babaeng minahal ng gabi at kinatatakutan ng liwanag. Isang kwentong magpapatanong sa'yo kung sino talaga ang banal at sino ang demonyo.
You may also like
Slide 1 of 10
Unforeseen cover
BOOK 1-AUREN VALTAROS: THE SILENT MIND cover
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) cover
The Mafia's Lost Soul [Completed✓] cover
TWINS FROM STRANGER cover
The Mysterious Secret of St. Madrigal University cover
ZAYN YUN PARK/ DEATHCASE 1 cover
I'll be Waiting for you (When We Were Juniors Series #4) cover
OWNED BY THE MAFIA BOSS cover
Cathaleya cover

Unforeseen

9 parts Ongoing Mature

#1 - wattpadphilippines (08 - 25 - 2025) Isang maulan na gabi. Isang pagkikitang hindi inaasahan. Isang babae ang tumakas, at isang babae ang pilit tinatakasan ang nakaraan. Sa ilalim ng katahimikan, unti-unting nabubuo ang koneksyon na pareho nilang hindi inaasahan. Hanggang saan aabot ang lihim, tiwala, at panlilinlang kung ang taong mahal mo ay nasa bingit ng kapahamakan?