Ako si AmordeLuna Martinez Realeza o Aluna, Ang Primera Hija ng Familia Realeza at Hija ng May-ari ng TRADISHION na si Fernando Alonzo Realeza at Mariposa Martinez Realeza, kapatid ni Florisa Martinez Realeza. Kilala kami sa Lungsod ng Maynila na gumagawa ng mga tradisyunal na kasuotan O napakagandang ngiti ng Pamilya sa litrato ngunit sa likod ng nakasaradong pinto ay puno ng napakagulong pangyayari at ngayon ay may panibagong araw na sana'y hindi na lamang ako nagising dahil ako ay ikakasal sa magiging asawa ko na hindi ko kilala ngunit paano ito? may iba akong iniibig, bakit pa bang kailangan na sundin itong tradisyon ng pamilyang ito? Bakit hindi na lang kaming mga anak na hayaang umibig sa lalaki kahit hindi dugong kastila? Pasimula nitong cuatrocientos años na ninuno ng Realeza!! Nang ako'y padabog na pumasok sa kwarto at isinarado ang pinto nang pagkalakas ay napaluhod at napahikbi ako sa nangyayari sa buhay ko, ipinanganak lang ba ako na kagaya ng isang kambing na gawing isang taga-sakripisyo? Mukha ba akong isang bagay na binibenta sa iba? Ano ba ako?. Natigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang bulong na tumatawag sa aking pangalan sa kaliwa nang aking tenga, tinignan ko ang buong paligid ngunit wala akong kasamang iba kundi ako lamang at naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo at bilis ng pagtibok ng puso ko sa takot, may bumulong muli sa aking tenga napatingin ako sa pader at pagbaba ko ng tingin ay nakita ko ang isang itim na salamin o scrying mirror na nakalapag sa maliit na mesa, nagtaka ako sapagkat ni hindi ko idinala rito sa loob ng kwarto o nagbigay sa akin kinuha ko ito at tinignan. Nang hinawakan ko ang salamin ay biglang nawalan ako ng malay...