"Ngunit kailan matatapos ito?" tanong ng isa sa mga libo-libong tao na naroon. "Hindi na kailan man. Ang puso ng mga butihing liwanag na ito ay napuno na ng lason. At mananatiling ganito-magkakalayo ng ilang metro kung wala ang pagkakaisa sa kanilang puso." Makahulugang litanya ni Buwan. Simula noon ay hindi na muling bumalik ang isang malaki at maliwanag na buwan.