Normal na buhay lamang ang tinatamasa ni Yanna Fluterion kasama ang kinamulatan niyang kapatid. Masaya at mapayapa. Wala na siyang maiihiling pa. Ngunit dahil sa isang insidente, pakiramdam niya'y biglang gumuho ang dapat ay normal na niyang buhay. Ang dating masayang buhay ay napuno ng kalungkutan. Ang dati'y mapayapang buhay ay napuno ng kaguluhan. Katotohana'y kailangan niyang matuklasan, bago pa mahuli ang lahat. Ang katotohanan tungkol sa kapatid niya. Ang katotohanan tungkol sa kapaligiran niya. Ang katotohanan kung sino ba talaga siya. *** "YANNAAAA!!!!" That's Cheska, by the way. Kasalukuyan niya akong hinahanap mula sa pagtatago, dahil lang naman sa sinabihan ko siyang pangit. Nakita niya ako sa aking pagtatago kaya ayon, naghabulan kami. We chased each other like kids, and ended up hugging each other while reminiscing our memories together. So sweet of us, right? It's too good to be true. I thought it will never end, until that night happened. Ang gabing sumira sa aming kaligayahan... Ang gabing sumira sa aming kapayapaan... Ang gabi ng pagkawala ni Cheska sa akin... At ang gabi kung bakit kailangan kong maging si Lianna Crest... Copyright © All rights reserved 2021 by Aqua_Marianne