Blood Compact

Blood Compact

  • WpView
    Reads 93
  • WpVote
    Votes 17
  • WpPart
    Parts 6
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sun, Jun 20, 2021
"Sumpaan ng pag-ibig" "kailanman ay hindi magwawakas" "ang dalawang puso ay muling pagtatagpuin" "Sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap" Magkasunurang bigkas ng dalawa. Kasabay nito ay ang paghiwa gamit ang matulis na patalim sa kanilang palad at matapos nito ay ipinagdaop nila ang mga ito at hinayaang tumulo ang kanilang dugo sa alak na inumin. Matapos yon ay inilagay nila ang alak na inumin sa kanilang lalagyan at sabay na ininom habang ang mga tingin ay hindi naghihiwalay. "Sugurin!!" napahinto ang dalawa dahil sa kanilang mga narinig mula sa di kalayuan. At nang kanilang tingnan, ang sumalubong sa kanila ay ang dating tahimik at payapang kagubatan na ngayon ay nilalamon na ng malaking apoy. Sa isang iglap lamang ay napapalibutan na sila, wala silang nagawa ng sila ay paghiwalayin. "Ama! Ama! " sigaw nito ngunit tiningnan lamang siya nito nang puno ng pagkadisgusto. Hila-hila ng mga kawal ang kaniyang kasintahan, gamit ang isang kadena ay iginapos nila ito sa isang kahoy at binuhat palayo sa gubat na kanilang tinirhan ng nakalipas na taon. "Ama! Ina! " pilit siyang kumawala ngunit hindi siya makaalis sa pagkakatali. Naglakbay sila habang paulit-ulit siyang nagmamakaawa sa mga ito. Kitang-kita niya kung paano ng mga ito saktan ang kaniyang iniibig. Wala siyang magawa. At nang makarating sila sa kanilang paruruonan, kumabog ang kaniyang dibdib at nagsusumigaw upang siya ay pakawalan ngunit tila mga bingi at walang narinig ang mga ito. Nagsimula ang mga itong palibutan ng dayami habang ito ay hinang-hinang nakagapos sa malaking bakal. "huwag! Huwag! Ina! Nakikiusap ako! Ama! Huwag! Huwaaagg!!!!" pilit niyang sigaw at bigla siyang natahimik, napatulala siya habang rinig ang sigaw nito na ngayon ay niyayakap na ng apoy ang buong katawan. Isa-isang bumagsak ang kaniyang mga luha. Ang kaninang matamis na ngiti sa kanilang mga labi ngayon ay napalitan ng hinagpis ng kanilang puso at sigaw ng kanilang mga mata.
All Rights Reserved
#5
lqbtq
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Wedding Girls Series 09 - FAITH - The Printer
  • A World Of Our Own (BoyxBoy)
  • Were secretly in a relationship to a rich Boys
  • Fall All Over Again
  • The Last Gray-Haired Witch
  • The Son Of Medusa
  • Timber
  • Craving Grecela
  • The Lost Love/ Unedited

"Hindi pa huli ang lahat para sa atin, Faith. Hindi na natin maibabalik ang mga taong nagdaan pero puwede pa tayong magkasama-sama, di ba? And this time, hindi na tayo magkakahiwalay pa. I love you. Kahit kailan, hindi nagawang pawiin ng galit ang pag-ibig ko sa iyo." ***** Napakaganda ng plano ni Faith at Patrick para sa kinabukasan nila. Pagkapasa ni Patrick sa board exam para sa mga civil engineers ay magpapakasal na sila. Pero nang araw na lumabas ang resulta ng exam ay bigla na lang nawalang parang bula si Patrick. Hinanap ni Faith ang binata. Hindi siya sumuko dahil mahal na mahal niya ito. At ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang malaman niyang sumama din ito sa ina patungo sa America upang ganap na mailayo sa kanya. Pagkatapos ng anim na taon ay muling nagtagpo ang landas nina Faith at Patrick. Kapwa may taglay na galit sa isa't isa. "Naaksidente ako. Kritikal ang kondisyon ko. Faith, sa bawat pagkakataon na magkamalay ako, ikaw ang tinatawag ko. Ikaw ang gusto kong makita. Pero wala ka." Agad na napuno ng luha ang mga mata niya. "A-ang mama mo," mahinang sabi niya. "I realized that my mother manipulated us. Nagawa niyang dalhin ako sa America upang doon na rin ipagpatuloy ang pagpapagamot ko. But I didn't recovered fast. Ang sabi ng doktor, napakahina ng will ko para gumaling. And it was because of you. Wala talaga akong balak na mabuhay pa dahil wala ka naman sa tabi ko." Napahikbi siya. "I love you, Patrick." Tumigas ang anyo nito. "Really?" sarkastikong wika nito. "Kaya ba nagpakasal ka agad sa iba?" "Patrick, may mabigat akong dahilan. H-hindi ko gagawin iyon kung hindi dahil-"

More details
WpActionLinkContent Guidelines