Saan dadalhin ang mga paang puno ng sapantaha?
Kailan mahahanap ng kamay ang hamingting sa gabing may hiwaga?
Paano lilisanin ng puso ang iyong piling kung may naka-ukit na gunita?
Sa anong paraan malalason ang utak na tigilan ang pagsulyap sa'yong mata?
May pahiwatig ang bawat busalsal mong pagbabaka-sakali;
Asintado nito ang aking bawat tama at mali
Ang pagaspas ng iyong pinagtagpi-tagping alindog
Na kung isasama ang mapanlinlang mong ngiti, ako'y nahuhulog.
Ang hindi ko kayang tanggapin,
Na sa buhay na ito, ako lamang ay temporaryong panauhin.
WHAT DO YOU CALL A PASSERBH WHO STAYED...
Want to ask me questions? See my behind the scenes? Even see my upcoming story sneak peeks?
Here you can request for a chapter read request as well as critique. There's even something better-talking to me about anything you want!