Czareine Abhishree Ty, ang babaeng naniniwala sa, "Ang love love na 'yan ay gawa-gawa lamang ng iluminati." Well, hindi naman siya bitter, sadyang mortal na kaaway lang talaga niya si kupido. She loves reading tragic books, 'yung mga walang happy endings. Kasi nga daw, "Walang poreber." aniya.
Pero paano kung isang araw, ng dahil sa sobrang kasikatan niya sa showbiz o pagiging isang sikat na aktres ay kakailanganin niyang lumipat sa isang tagong eskuwelahan na malayo sa siyudad nila upang iwas sa mga reporters at mga toxic fans na nanggugulo sa pag-aaral niya?
At paano kung sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya papunta doon ay masiraan siya ng kotse? And worst, paano kung sa isang liblib at madilim na lugar pa? At sa sobrang takot niya ay basta basta nalang siyang pumasok sa isang madilim at medyo may kaliitang bahay? At paano din kung ang may-ari pala noon ay apat na kalalakihang magkakaibigan at pare-pareho pang gwap ─ ay, estupido pala at baliw.
Lalong lalo na si Sword Caelus Arellano na ubod ng kayabang, kahanginan, kaarogantehan, kalokohan, kabaliwan at kagwapuha ─ ay este, kagaguhan? At insert, feelingero pa, ha.
Will she survive? Or puro mura lang ang lalabas sa bibig niya habang kasama ang mga ito?