What if isang araw magising ka nalang na ang itinuring mong kaaway at anak ni Satanas kung iyong ituring ay mahal mo na pala? Paano kung biglang magbago ang lahat ng agam-agam sa isip mo dahil sa malakas na tambol ng puso gawa ng taong hindi mo inaasahang magpaparamdam ng kakaibang kilig sa puso mo? Hahayaan mo nalang ba ito o gagawa ka ng paraan para iwasan at itapon ang kung ano mang nararamdaman ng puso?