Matatawag mo bang malandi ang isang tao kung nagmamahal lang naman ito? Para sakin, hindi. Bakit naman magiging malandi diba? Nang-agaw ba? Nang-akit ba? Nagmamahal lang naman eh. Nagmaha lang naman ako. Wala akong ginawang masama. Kusa akong nahulog sakanya-- sakanila. Palihim lang naman. Kusa nalang ako nahulog sa isang tao. Isang tao nga lang ba? O baka dalawa? O tatlo? Oo, tama kayo. Tatlo. Over na ba? Bakit naman? Eh yung iba nga eh, 12. Syempre lahat ng members ng EXO. Diba? Hindi naman nila alam na may gusto ako sakanila. Hindi nga ba alam? Para kasi sakanila, walang nage-exist na tulad ko. Isa lang ako sa mga nangangarap na makita nila. Na makasama nila. Na magustuhan nila. Na mahalin nila. Malandi ba ako dahil sa ginawa kong pagmamahal? Sabi ng iba, oo daw eh. Ikaw, naranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maguluhan dahil hindi mo alam kung sino ang mas gusto mo? Ang tadhana nga naman oh. Baka pinagtagpo lang kami.. pinagusap.. Pero baka talagang hindi magiging kami. Tadhana nga diba? Hay. Ang sakit isipin na hindi ka magustuhan ng taong gusto mo. Either his a blessing or a lesson that's why you met him. Blessing nga ba? O lesson? At nang dumating sila. Nagbago ako. Sino nga bang sila? Why seasons? Find out.