Masayang mabuhay kung ang pinakamamahal mo ang iyong kasama sa iyong pagtanda, sa mga pagsubok sa buhay, sa saya at lungkot Pero paano kung isang araw ang pinakamamahal mo ay kalimutan ka, kalimutan ka sa buhay niya, ikaw na tanging naiwan sa kanya mula ng iwan sya ng iba, ikaw na palaging nandiyan sa tabi niya kapag malungkot, umiiyak at tumatawa sya, ikaw na mahal na mahal niya ay bigla na lang mawawala ng parang bula sa buhay niya. Matatanggap mo kaya ito? Ipapaubaya mo kaya siya sa ibang taong alam mong hindi naman karapat dapat sa kanya, dahil sa simula palang pagmamay-ari mo na sya. Ano ang gagawin mo? Cryzza Glamour Syu Cris Rhuiji Tan Start Date: May 25, 2021 End Date: --