Aqua Ashvriele is a simple, brave and independent woman. Kung inaakala mo na siya ay isang mahinhin, mahiyain at uto-uto na babae, well, it means na hindi mo pa talaga siya gano'n kakilala. She can be the bitch that you never expected to be. Isa siyang palaban na babae at may mga bagay na kaya niyang gawin na hindi mo inaasahan. Isa siyang masayahing dalaga ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay may naitatagong problema at sakit ang kaniyang ngiti, dahil sa bawat ngiti niya ay naaalala niya ang isang tao na hindi niya tiyak kung nabuhay o talagang panaginip lang. Nag mula si Aqua sa isang napakayaman na pamilya, ngunit kinakailangan na itago ang kaniyang pagkatao sapagkat may tamang panahon kung kailan siya ipapakilala sa publiko. Ang Ashvriele Family ay isang sikat na business family kaya hindi kataka-taka na napakayaman nila. Bakit kaya napaka-misteryoso ni Aqua? Ano kaya ang mga bagay na kaya niyang gawin? Bakit kailangan itago ang kaniyang pagkatao? Ga'no kaya kayaman ang kanilang pamilya?