(On going story) Genre: Bl romance, Tragic Hindi tayo nabuhay para sa sarili lamang, maaring narinig na natin 'yan sa simbahan o kahit sa mga guro na nagturo sa atin ngunit minsan tayo'y makakaranas ng lumbay yung para bang wala kang kasama o katuwang man lang sa buhay dahil sa mundong umiikot makakaranas tayo ng liwanag at dilim. Kaya minsan may makikilala tayong tao na magpapasaya sa atin ng tunay yung tipong siya yung magpaparamdam at magtuturo sayo ng salitang pagmamahal. Kaya habang umiikot ang mundo nalilimutan natin ang salitang paglisan. Akala natin lahat ay permanente ngunit 'di natin namamalayan na panandalian lang pala ang kasiyahan. Sabi nga lahat ng tawa ay may kapalit na luha. Marahil ang istorya ay matatawag na nating cliché. Nailathala at napanood na natin ang ganitong uri ng konsepto ngunit asahan niyo na kahit ganoon pa man ay mararamdaman niyo parin ang iba't ibang emosyon sa istoryang ito. Yukei Wong siya ang lalaking bida, ang magkwekwento ng istorya nila ni Cheng Dong. Si Yukei ay taong naghahanap ng pagmamahal at interes sa kanya ng tao, simula bata siya ay nawalan na siya ng papa at OFW ang kanyang ina kaya wala siyang naging katuwang sa buhay niya kundi siya lang magisa hanggang sa nakilala niya si Cheng na may kumpletong pamilya ngunit dahil sa mga propesyon ng kanyang mga magulang ay 'di rin siya nabibigyan ng atensyon na kailangan niya. Kaya ang dalawang nagiisa ay nagsama naging matalik silang kaibigan nung nagkakilala sila ngunit sa umiikot na mundo 'di maiiwasan na mawala ang kasiyahan ng tao. Sa mapaglarong tadhana sila ay ginoyo, inasahan ang walang hanggan nauwi lang pala sa tuldukan ni wala man lang paalam nung lumisan. Kaya paano malalaman kung nagmahalan, kung lumisan ng walang paalam?All Rights Reserved