Leinore De Silva - 17 y/o. Chill lang sa buhay, minsan ay umaasa na lamang sa mga kaibigan nya pero gusto nya daw kumuha ng "MED TECH". madami din syang lalaki na nakakarelasyon, and I should say na martyr sya sa pag ibig.
Maria Cristina Cervantes - 18 y/o. Palaging nakukunsumi, hindi marunong tumawid mag isa. Grade conscious at laging puyat katulad ni Leinore at Sheila.
Jennilea Samantha Alfonso - 17 y/o. Laging kabado dahil strict ang parents nya, grade conscious 'rin madaldal at malakas ang boses pwede ng pumasok bilang kargador. Laging tulog.
Sheila Dianna Solarez - 18 y/o. Madalas lula, madalas ding nakukunsumi. problemado minsan pero go lang.
Grade 12 na silang magkakaibigan at nag iisip sila kung itutuloy ba nila ang pag ma - maynila, gusto nilang maging independent dahil ayaw 'raw nilang maging isang pabigat pa sa kanilang mga magulang. Napagisip isip nila na habang bakasyon ay mag trabaho muna sila duon sa tahian na sinasabi ni leinore , ang kailangan lang naman daw nilang gawin duon ay ang mag linis ng mga tira tirang mga tela. Malaki namn 'raw ang bayad kung gaya' t makaka tulong tulong naman ito kahit papano sa kanilang pag iipon.
Hanggang sa napadpad na nga sila sa maynila nagbago ang kanilang buhay nang makilala nila ang sobrang bait at sobrang ganda na si Senyora Glyda.
Si Senyora ay isa sa pinaka mayaman sa Pilipinas may malalaki syang kompanya sa ibat- ibang bahagi ng Pilipinas pati narin sa ibat- ibang bansa. May apat na apo si Senyora ito ay mga spoiled at may pag ka bad boy, gusto ni Senyora na matuto ang kanyang mga apo kung gaya't laking tuwa ni Senyora nang makilala niya ang apat na magkakaibigan na si Lei (Leinore) , Tin (Maria) , Sam (Jennilea) at Dianne (Shiela).
Hi guys! This is my first time na magsusulat ng story sana ay magustuhan niyo! Please let me know kung mag gusto kayo idagdag or malaman sa mga characters!
Have a good day! Take care!!! ❤️❤️
🦋