"Mahal mo ba?" sabi ni Ariela "Oo pero" sabi ni Maggie "Pero?" sabi ni Ariela "Tama na siguro, ititigil ko na siguro itong kahiangan ko. Mahal ko pero alam kong wala na, kaya siguro tama na" sabi ni Maggie ng nakangiti "Sana nga, sana nga tama ka sa desisyon mo at masaya ka susuportahan kita" sabi ni Ariela Maggie Nicholas Fame isang babaeng walang ginawa kundi magmahal ng isang taong walang kasiguraduhan. Kakayanin niya kaya? o titigal na lang siya dahil pagod na siya at alam niya na wala na talaga. Ronie Gabriel De Luna ang lalaking minamahal ni Maggie masusuklian niya kaya lahat ng paghihirap at pagmamahal ni Maggie?.