Gab Saavedra pangalawa sa tatlong magkakapatid na Saavedra sa bayan ng San Sebastian. Si Gab ang nagpapatakbo ng G.S Bar sa San Sebastian, isang malaking luxury Bar sa bayan ng San Sebastian. Sa tatlong magkakapatid na Saavedra si Gab ang nag-iba ng negosyo. Hindi ito pumasok sa mga negosyo ng ama. Nagtayo ito ng sarili nitong negosyo. Ngunit ang hindi nito matanggian ngayon at matakasan ay ang kagustuhan ng ama na ikasal ito sa anak ng isang kaibigan at kasosyo ng ama sa negosyo. Alam ni Gab na nais ng ama na ito ang pumili ng babaing pakakasalan nilang magkakapatid. Ngunit sumaway ang Kuya Gavin nito at si Gael. At ngayon ito naman ang minamanduhan ng ama. Makakatangi ba ito kung isang napaka ganda at bata ang nais ipakasal ng ama? Si Lianne Gomez. Lianne Gomez nag-iisang anak ng mag asawang Gomez na may malaking parte sa G. Saavedra Airlines. Lumaki si Lianne na laging sumusunod sa mga magulang, takot itong magkamali at mapunaan ng sariling mga magulang. Kaya naman lahat ng sabihin ng mga magulang ay sinusunod nito. At ng sabihin ng mga magulang na ipapakasal ito sa isang Gab Saavedra ay wala itong nagawa, kahit na may nobyo na ito at nagpaplano na ring magpakasal.