NR-17. Marian. Kahali-halina ang ganda. Nakakaakit ang hubog nitong katawan. May malasutla, makinis at kutis porcelana. Kaya naman maraming lalaki ang nahuhumaling dito. Kahit nasa kalagitnaang trenta anyos ay para pa ring nasa edad bente anyos ito. Mayaman ang napangasawa ni Marian sa America. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. Kalaunan ay naging diborsiyada at umuwi ng Pilipinas at nag-desisyong dito na mamalagi. Dati siyang nurse sa America at naging mapalad na maging mayaman din. Dito sa Pilipinas ay naging ganap na siyang opisyal o isa sa mga Sangguniang Bayan ng La Paz.