Mistulang isang epilogo para sa naunang akdang "Ang Lihim Kong Buhay sa Piling ng mga Nuno," tinatalakay ng maikling kuwentong ito ang relasyon ng tauhang tagapagsalaysay sa kanyang ama sa loob din ng parehong taymlayn (timeline) ng naturang nobela (70s-80s). Muli, mararanasan ng mambabasa ang parehong tagpuan at kapaligiran, at maeengkwentro ang pamilyar nang buhay at kulturang pampamilya/pampamayanan sa isang munting bayan sa lalawigan. Makauugnay din ang sinumang Filipino sa karanasang OFW na nasa ubod at himaymay ng dramang umiinog sa palibot ng personal at samakatwid baga'y tunay na pangyayari.