Upang maiwasan ang kanyang High School Reunion nakapagdesisyon si Marabeth na mag-out of the country vacation sa loob ng tatlong araw. Kasama ang supportive niyang bestfriend napili nilang magtour sa Tokyo Japan. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi niya makikita ang mga batchmates niya na walang ibang ginawa kundi asarin siya na old maid na. Totoo naman na wala siyang boyfriend since birth pero naiirita at naaawa siya sa sarili tuwing pinapamukha iyon ng mga kaklase niya sa high school. In her 29 years of existence, she was never kissed and never touched. She thought na habang buhay na siyang ganon. Pero hindi niya inaasahan na ang sandaling pagpunta niya sa ibang bansa ay mag-iiwan sa kanya ng alala. Isang pagkakataon na nakaranas siya ng halaga. Ito ang gabing tinakasan niya.