"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na muling babalik Para sa matatapang, Na naging totoo At umamin Para sa iyo, Na nagmamahal Sa musika, sa tula, sa tugma, sa kapangyarihan ng mga salita Inia-alay ko ang mga tulang ito...All Rights Reserved