21 Bölüm Tamamlanmış Hikaye "Hindi! Anak na'tin 'to Trevour! Anak mo 'to!" Giit ko dahil iyon naman talaga ang totoo ngunit pakiramdam ko ay mali ang ipaglaban ang totoo.
"What'd you say? That's mine?" Sarkastikong itong natawa at tiningnan ako ng nanlilisik ang mata. Nanginginig na umatras ako nang humakbang ito palapit sa'kin.
"You're not Jerra, Siya lang ang gusto kong pakasalan at hindi ikaw." Madiin nitong wika. Ang mga mata nitong nandidilim na siyang nagdala ng panginginig sa takot sa'kin. Sa kabila ng takot, mas matimbang pa rin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. hindi ako, hindi ako ang babaeng nais niyang makasama habang buhay at kahit kailanman ay hinding hindi siya magkakagusto sa isang tulad ko. Masakit, ang sakit lang.
"N-no, s-stop it T-trevour..." Mangingiyak na pagmamakaawa ko upang pigilan ang binabalak nitong gawin. Wala akong ibang magawa kundi yakapin ang sinapupunan ko upang protektahan iyon.
"No, You can't be. I'll kill that child." Nakakatakot nitong wika at naramdaman ko nalang ang pagtama ng kamao niya tyan ko dahilan para mapahiyaw ako sa sakit.
___
Nababaliw akong umiling. "Hindi, hindi mo siya anak." Pagmamatigas ko at bumangon ngunit mabilis itong nakagawa ng paraan upang pigilan ako.
"You can't fool me, Azerylle. He is my son." Determinadong saad niya. Tumingin ito sa'kin, walang galit, walang hinanakit kundi ang mga mata nito ay nagniningning sa sobrang kasiyahan. Sa katunayan ay kita ko kung paano namuo ang luha sa mga mata nito.
Lumambot ang ekspresyon ko at nakaramdam ng awa para sa kaniya. Hindi pa ako handang magpaliwanag sa kaniya ngayon, hindi pa.
"You're not my father, He's an Idiot." Walang emosyong wika ng anak ko. Nakita ko kung paano napatigil si Trevour at pagbagsak ng luha niya. Yumuko ito at nagkunyaring kinamot ang ilong ngunit ang totoo ay palihim niyang pinunasan ang luha. I felt the pain. Ito naman ang gusto ko pero mas doble ang sakit na nararamdaman ko para sa kaniya.
Paos itong tumawa. "No, I am your Idiot father, Lucas."