Stolen Kisses # 1 (ON GOING) Maagang namulat sa hirap ng buhay si Amanda. Siya na ang tumayong magulang sa kaniyang bunsong kapatid mula nang pumanaw ang kanilang mga magulang. Buhat non ay tumatak na sa isipan niyang gagawin niya ang lahat upang umangat sa buhay at hindi na muling magdanas ng kahirapan. Napadpad siya sa isang trabahong halos umikot ang sikmura niya ngunit limpak limpak na salapi ang kapalit.