Walang makapagsasabi kung kailan tayo iibig. Walang makapaghahadlang, walang makakapagdesisyon, at walang makapaghihinto kapag ito'y naranasan na. PUSO'T UTAK ng isang tao ang nagsasabi at nagdedesisyon kung ito'y iyong ipaglalaban. Sila'y nagtutulungan upang makapagbigay saya't lungkot sa isang tao. Di ba totoo naman yun? Pero paano nga ba.... kung ibang tao ang magsasabi, magdedesisyon, maghahadlang at maghihinto sa iyong nararamdaman? Ito ba'y iyong hahayaan? o Ito'y iyong ipaglalaban?