"Buong buhay ko na ang ibinigay ko. Hindi pa ba sapat ang mga nasakripisyo ko? Lagi ko na lang ba isasantabi ang sarili ko? Kailan darating ang araw na ako naman. Sarili ko naman ang iisipin ko. Sarili ko naman ang pipiliin ko."
×××××××××××××××××××××××
Nagpaka-nanay si Gab sa nakababatang kapatid mula ng mamatay ang kanilang ina noong pitong taong gulang pa lamang siya. Sa murang edad, walang ibang ginawa si Gab kung hindi ang maging responsableng ina at kapatid kay Avi.
Labing limang taon ang matulin na lumipas. Isang araw, sinalubong siya ng ama para sabihin na parating na ang bunso niyang kapatid. Kapatid na kailanman ay hindi nakilala at nakita ni Gab.
Hanggang kailan ba kailangan ni Gab na tumayong ina sa mga nakababatang kapatid niya? Magkakaroon pa kaya siya ng pagkakataon na mabuhay para sa sarili niya?