101 parts Complete May isang school na parang sariling mundo.
Sa mundong 'to, iisa lang ang batas-ang batas ng bullies. Walang pumapalag, walang nagtatangkang lumaban. Limang tao ang nasa tuktok, at kapag ikaw ang napagdiskitahan nila, tapos ka.
Isa sa kanila si THERON.
Tahimik pero delikado.
Malamig pero may tinatagong pangako.
Nakakadena siya sa nakaraan-sa isang babaeng naging unang mahal niya. Kababata. Unang pangarap. Nangako siyang maghihintay, at sa pangakong 'yon umiikot ang buhay niya. Kaya wala siyang sinasanto. Kahit sino, kaya niyang tapakan.
Hanggang sa may dumating na babae na hindi natitinag.
Hindi nagpapa-bully.
Hindi nagpapatinag sa pangalan nila.
Mas matapang pa kaysa sa grupo mismo.
Isang babaeng walang atrasan, kahit kanino.
At doon nagsimulang gumulo ang lahat.
Paano kung mahulog si Theron sa babaeng 'to?
Paano kung sa gitna ng pag-ibig na 'yon, bumalik ang nakaraan niyang pinanghahawakan?
Pipili ba siya ng pangakong matagal nang binuo,
o ng damdaming ngayon lang niya tunay na naramdaman?
Pero paano kung mas masakit ang totoo-
na ang babaeng iniwan ng panahon
at ang babaeng minamahal niya ngayon
ay iisang tao lang pala?
Kapag ang katotohanan na ang kalaban,
sino ang matitira?
MR. BULLY - kapag ang puso ang tinarget, walang panalo.