Kaia Dimapilis, ang prinsesa at susunod na mamumuno sa kaharian ng Vatike, ay hindi tanggap ang mabigat na responsibilidad ng pagiging isang reyna. Mas pipiliin pa nitong makipaglaban sa mga "Kaiba" na hindi inaasahan ang biglaang paglakas ng pwersa at balak na sirain ang kanilang kaharian. Sa papalapit na panganib, makikilala niya si Marko, ang taong makakapagbago sa kaniyang buhay.