Muling bumabalik at wari'y bumabagabag sa isipan ni Den ang kamaliang nagawa niya noon. Hanggang ngayon ay nakabilanggo pa rin siya sa madilim na kahapong iyon na kahit kailan man ay hindi niya makakalimutan hangga't nabubuhay siya. Gusto man niyang humingi ng tawad. May mga nais man siyang sabihin pero wala na siyang magagawa. "Sana ay ako na lang!" Iyan ang paulit-ulit niyang sinisigaw. Umaapaw ang kanyang pagsisisi ngunit sadyang huli na at hanggang kailan man ay hindi na niya maibalik pa ang lahat.