Major in Accounting, Minor in Love
27 chapitres En cours d'écriture Si Analyn Grace Rivera, isang certified "puyat queen," laging may eyebags na parang receipt tape sa haba, dahil sa accounting course niya. Araw-araw, puro lectures na parang alien language, quizzes na walang hints, at homework na mas marami pa sa hugasin nila sa bahay.
Love life?
As if!
Hindi 'yan naka-list sa daily planner niya. Ang priority niya: makapasa, maka-graduate, at makatulog ng mahimbing kahit isang gabi lang.
Pero heto na ang plot twist ng buhay niya - biglang may apat na lalaking nanligaw sa kanya. Oo, apat! Hindi isa, hindi dalawa, kundi apat na pogi (o feeling pogi) na gustong pumasok sa puso niya.
Ngayon, bukod sa pagso-solve ng financial statements, nagsosolve na rin siya ng love problems. Minsan tuloy napapaisip siya: "Ano bang mas mahirap, mag-balance ng trial balance o mag-balance ng feelings ko sa kanilang lahat?"
Nag-major siya sa accounting para matuto mag-manage ng pera, pero mukhang love life ang kailangan niyang i-manage ngayon.
Baka sa dami ng ligaw sa kanya, ma-audit na pati puso niya.