Louise Patricia De Jesus, isa syang babaeng siga kung umasta. Parang lalaki kung kumilos at magsalita. Isang babaeng walang inaatrasan sa buhay. Isang babaeng palaban at hindi hahayaang may masaktan sa mga kasamahan nya. Nagtatrabaho sya bilang isang Manager ng isang condominium. Kaizer Wendell Guevarra, mayaman na tagapagmana ng isang sikat na Shipping Lines. Madalas syang tawagin na arogante at masungit. Seryoso sa buhay at hindi marunong magbiro. Isang lalaking walang ibang ginawa sa buhay kung hindi magtrabaho at gumawa ng sariling pangalan sa ginagalawan na mundo.
More details