Papaano kung muli kayong pagtagpuin ng mapaglarong tadhana? Sa nakalipas na labing apat na taon, makikilala at maaalala mo pa kaya sya? Ang unang taong nagbigay sayo ng ibayong pakiramdam upang maniwala na may kabutihan at pag-ibig rin sa mundong ito. Papaano kaya ipapaliwanag ni Victor na sya ang batang minsan nya ng naging kapareha sa isang eksena? Paano kung nakalimutan na sya ng batang iyon dahil sa nagdaan na ang maraming taon? Ngunit si Victor ay hindi pa, dahil sariwa pa sa kanya ang mga alaala noong unang beses silang nagkita. Kung paano nya itong nakitang humagulgol dahil sa nagkamali ito sa isang eksenang gagawin nila at dahil sa hiya at takot ay na ihi pa ito sa bestida na kanyang suot. Subalit, ang pinakamalalang nangyari sa unang araw ng kanilang pagtatagpo, noong tumakbo ang batang iyon papalabas ng venue at dahil sa pagmamadali ay nadapa ito na naging sanhi ng pagkagulo ng mga tao sa paligid. Pangyayari na naganap noong childhood ni Shero na sa paglipas ng panahon nilimot nya na rin ang alaalang hindi nya na nanaising balikan. Papaano kung muli silang pagtagpuin ng tadhana? Na kahit anong pilit gawin ni Victor na pagpapansin at pagpapaalala ay hindi na sya nito makilala. Maaalala pa kaya ni Shero si Victor? Ang unang lalaki na palihim syang inibig sa unang pagkikita pa lamang. Mananatili pa kaya ang pag-ibig na nararamdaman nya kapag nalaman ni Victor, na hindi talaga sya isang babae kung hindi... isang lalaki. NOTE: Ang kwentong ito ay hango sa Yaoi series na Love Stage, ngunit malaki ang kaibahan nito sa nasabing series. May iilang detalye lamang doon ang kinuha ng may akda, ngunit ang lahat ay produkto na ng mapaglarong isipan ng awtor. Date posted: Hunyo 10, 2021 Written by: YurinasamAll Rights Reserved