Slowly, the two of them will dance along with the romantic music. Sa umpisa ay yuyuko si Ji-Won, ramdam niya ang tingin ng mga tao sa paligid. Pero biglang ilalagay ni Dong-Gun ang isang daliri sa baba ng dalaga, saka iaangat ang mukha nito. "Tumingin ka lang sa mga mata ko, para makalimutan mo na may ibang tao sa paligid." Susundin ni Ji-Won si Dong-Gun. Ipapako niya ang tingin sa mga mata ng binata. Suddenly, parang huminto ang ikot ng mundo, parang naglaho ang lahat ng tao sa paligid. Halos hindi na marinig ni Ji-Won ang tugtog ng violin dahil matatabunan ito ng malakas na kabog ng dibdib niya. Ramdam niya ang firm na hawak ni Dong-Gun sa kamay at beywang niya habang nagsasayaw sila, and it made her feel safe and protected. Parang ayaw nang matapos ni Ji-Won ang magical moment na iyon. Kung isa itong panaginip, parang ayaw na niyang magising. Meanwhile, si Dong-Gun ay tila na-hypnotize din kay Ji-Won. Pakiramdam niya ay siya ang pinaka-swerteng lalake sa buong mundo dahil kasayaw niya ang isang napakagandang babae. Hanggang sa dahan-dahang ilapit ni Dong-Gun ang mukha niya kay Ji-Won. Alam niyang masyado siyang mabilis. Pero parang bawat hibla ng pagkatao niya ay sinasabing it's the right thing to do at that moment. It's now or never!