Unleashing the secret of the power of white ice.
"Is this a dream?"
"How is this possible?"
"What's this so-called mission?"
Meet Frostine Eisold. Also known as Tine. Isang ordinaryong babaeng nagmula sa ordinaryong pamilya; hindi mayaman, hindi mahirap. Kumbaga sa Coke, sakto lang. Siya ay may normal ngunit masalimuot na pamumuhay, medyo rude at may pagkatopak pero matalino naman at may ibubuga sa lahat ng bagay. Ngunit nagbago ang "normal" niyang pamumuhay nang makilala niya si Lixue Yas na siyang babago sa buhay niya nang sabihin nito na may misyon siyang dapat gawin at ipinakilala nito ang nakatagong kapangyarihan sa likod ng white ice.
Maraming mga tanong ang bumagabag sa isipan ni Tine magmula nang nalaman niya ang sikreto ng kwintas na hawak niya na mula pa sa kanyang daddy. Ano ang meron sa kwintas na iyon? Paano iyon napunta sa kanyang ama? Ano nga ba ang tunay na ugnayan nila ni Prinsesa Nieves ng kaharian ng Neve at ano ang kinalaman niyon sa buhay niya ngayon?
Heto siya at naiipit sa sitwasyong hindi alam kung ano ang pipiliin.
Ang tuparin ang mga pangarap sa kasalukuyan? O, ang gawin ang misyong matagal na dapat niyang sinimulan?
Language: English, Filipino
Genre: Fantasy, Adventure, Mystery, Fiction, Romance, Humor
Date started: November 29, 2017
Date ended: ---
Written by: BespectacledDamsel
©2017All Rights Reserved