Story cover for REION: The Immortal Adventurer by Binibining_Bi-po09
REION: The Immortal Adventurer
  • WpView
    Reads 10,189
  • WpVote
    Votes 1,935
  • WpPart
    Parts 18
  • WpView
    Reads 10,189
  • WpVote
    Votes 1,935
  • WpPart
    Parts 18
Ongoing, First published Jun 12, 2021
Si Reion ay isang batang nagmula sa angkan ng mga karaniwang adventurer na may mga mabababang kultibasyon, hindi nya nakilala ang kanyang ama at tanging ang kanyang ina lamang ang nagtaguyod sa kanya kasama ang kanilang mga kaangkan.

Sa murang edad ay pinangarap nya ring maging malakas katulad ng mga kwentong naririnig nya sa kanyang mga tiyuhin na marami daw malalakas na adventurer sa kaharian. At upang maiahon din ang kanyang angkan sa pagiging mahina.

Kaya nagsisikap sya at nagsasanay araw araw ng sa gayon ay makapasok sya sa pinakakilalang akademya sa kanilang lugar, at para mahanap din nya ang kanyang ama.

Halina at samahan natin si Reion sa kanyang paglalakbay at pakikipagsapalaran upang maging pinakamalakas na adventurer sa kasaysayan.

Sa lugar kung saan, ranggo at kayamanan ang basehan ng pagiging malakas. 

Sa lugar kung saan walang puwang ang mahihina at mabababang uring nilalang. 


Date started:
June 12 2021
 
Date finished:
All Rights Reserved
Sign up to add REION: The Immortal Adventurer to your library and receive updates
or
#172god
Content Guidelines
You may also like
DEFYING THE GATE OF RULES: DOWNFALL OF ROYAL CLANS [VOLUME 1] #Wattys2023 by Jilib480
18 parts Complete
Si Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling angkan. Ang noo'y namamanghang mga mata ng mga nakakapaligid sa kanya na mga tao ay ngayo'y may mapangmaliit at mapanghamak na mga tingin. Sa edad na siyam hanggang dalawamput-isa ay naging mature na ang kanyang isip. Maraming mga taong nangungutya sa kanya sa bawat paggalaw at kapag nakikita siya ng mga kaedaran niya o ng mga bata't matatanda, unti-unti na siyang inagawan ng kanyang kabataan. Minsa'y napanghihinaan na siya ng loob dahil dito. Wala siyang naging kasalanan kung bakit nangyari ang mga anomalya sa kanyang dantian na kahit siya'y hindi na nagkaroon pa na ipagpapatuloy pa ang kanyang Cultivation. Makikita natin ang ating bidang handang ibuwis ang lahat maging ang kanyang sarili na magpapalungkot, magpapasaya, magpapamangha at magpapaiyak sa atin sa mga pang- OUT OF THIS WORLD na kaganapang magpapaintindi sayong walang hangganan ang buong mundong ito. Dito niyo masasaksihan na walang imposible sa taong nagpupursigi upang tamuhin ang kalayaan at ipaintindi sa lahat na may kabutihan pa rin ang mundong ito, ang mundong sisira o magpapalakas sayo. May pag-asa pa kayang mabago ang kapalaran niya o mananatili lamang na patapon ang buhay niya o mabibilanggo ba ang kanyang sarili habang buhay sa kadiliman? Makakamit ba ni Van Grego ang pinakarurok ng Martial Arts o Mamamatay siya sa kalagitnaan pa lamang ng kanyang paglalakbay? Halina't samahan natin si Van Grego sa pagtuklas ng kanyang totoong pagkatao at paglaban nito sa napakadelikadong situwasyon upang ipaglaban ang alam niya'y tama.
The Verity of the Moderators (BL Fantasy) by _SAGARIUS_
18 parts Complete Mature
ABOUT THE BOOK Bigo mang mabalaan ng pito ang Rebellion sa naghihintay na panganib sa lungga ng Moderators, nagawa naman nilang malaman ang isang sibilisasiyon na hindi nila inakalang makikita. Isang bagong mundo na siyang sumira sa paniniwala nila na nag-iisa sila. Ang Eden, isang isla na ilang milya ang layo mula sa Agartha. Magkalayo man ang agwat, konektado naman sila sa karanasan at kasaysayan. Kagaya ng Agartha, naging biktim din ang Eden ng mga malulupit at masasamang plano ng Moderators, at sa kasamaang palad, bigo nila itong napigilan. Dito sa bagong mundong nadiskobre ni Seph, mas makikilala ang sarili niya. Mga rebelasiyon na sumagot sa ilang katanungan niya, pero hindi niya inasahan at inakala. Pero hindi lang ito ang nabuksan nila, kundi pati rin ang nakakubling plano ng Moderator na walang sinoman ang maniniwala. Isang kagustuhan na siyang papatay hindi lang sa lahat ng nilalang, kundi pati rin sa Thera. Isang mahirap na desisyon ang kinaharap nila - kung lalaban ba sila o maghihintay ng tamang panahon para sumalakay. Kung pipiliin nila ang una, walang kasiguraduhan na makakalabas sila ng buhay. Pero kapag pangalawa naman, anomang oras pwedeng isagawa ng Moderator ang plano. Gayunpaman, naging buo na ang desisyon ni Seph. Hindi ito nagustuhan ng iba, pero sinupurtahan nila. Labag man kay Seph, sama-sama nilang nilusob ang lungga ng kalaban. At ang tanging sandata nila para manalo, ay ang paniniwala na mananalo sila. *** SERIES NO.: 3 of 4 GENRE: Fiction- Fantasy, Dystopia, Supernatural, CHAPTER: 13 (excluding the Prologue and Epilogue) WORD COUNT (CHAPTER): Approx. 5,000 words WORD COUNT (TOTAL): 68,000 All rights reserved DO NOT PLAGIARIZE!
You may also like
Slide 1 of 9
Legend of Divine God [Vol 13: Land of Origins] cover
A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6) cover
Godderna's Kingdom (COMPLETED) cover
Adventure Of The Legendary God [Vol.3: Wistreia Academy] cover
DEFYING THE GATE OF RULES: DOWNFALL OF ROYAL CLANS [VOLUME 1] #Wattys2023 cover
The Verity of the Moderators (BL Fantasy) cover
Grimoire: After Legends cover
Sovereign of the Skies: The Reincarnated Bahamuth Queen cover
Atlas Volume 1 [The God Shadow] cover

Legend of Divine God [Vol 13: Land of Origins]

142 parts Complete Mature

Synopsis Sa pagpapakita ng Land of Origins o ang tinatawag ding mundo ng pinagmulan ng lahat bagay, si Finn at ang New Order ay naghahanda na para sa isang mapanganib na pakikipagsapalaran sa mundong ito. Tutuklasin nila ang misteryong bumabalot lupaing ito, at gagamitin nilang magandang oportunidad ang paglalakbay rito upang ipakilala ang New Order sa sanlibutan. Iba't ibang puwersa mula sa iba't ibang upper realm ang kanilang makakasalamuha. Nakatakda na silang magkaroon ng mga kakampi at kaaway, at handa silang gawin ang lahat upang mapili sila ng Land of Origins bilang magiging pinakamalakas na adventurer sa hinaharap. -- Started on wattpad February 1, 2023 - ??