Naiiyak kong tinignan ang aking mga anak sa harap ng altar. Alam kong ang isa sa kanila ay hindi na magtatagal pa. Humihikbing sinindihan ko ang kandilang itim. Muli ay tumingin ako sa kanilang dalawa. Aking sinasaulo ang bawat detalye ng kanilang mukha. Magkaibang-magkaiba. Humakbang ako ng dalawang beses at huminga ng malalim. Patawarin nyo ako pero hindi ko kayang makita na ang bunga ng kataksilan ay masaya at may ngiti sa labi. Samantalang ang tunay kong anak ay nahihirapan at pinapahirapan. Labag man sa kaloob ko ay sinimulan ko ang orasyon. Si Thalya ay maging si Mara Si Mara ay maging si Thalya Si Thalya ay maging si Mara Si Mara ay maging si Thalya Kasabay ng pagbigkas ay ang paghiyaw ng dalawang bata na waring nasasaktan. Saglit na lang ito mahal ko. Malay ka na. ⚠️ This story is written in Taglish and has mature scene and content which are not suitable for young readers.