"Wala kang pakialam kahit pa manganib ang buhay. Dahil bahagi yon ng sinumpaan kong misyon at obligasyon sa organisasyon ito." Sabi niya na hindi ako tinitignan. "Eh, ang pagsasabi mong mahal mo ako? Bahagi pa rin ba yon ng misyong at obligasyong sinumpaan mo?" Gusto kong malaman ang totoo mula sa mga labi niya. May halaga nga ba ako sa kanya o tama si Karen ng sabihin niya sa aking, bahagi lang ng misyon ni Curse ang lahat. Tumingin sa akin ng tuwid si Curse. Diterminado at walang emosyo na mababakas sa kanyang mga mata at mukha. "Bahagi ng misyon ko ang masigurong ligtas ka. kaya lahat ng mga sinabi ko sayo ay hindi mo dapat pinaniwalaan, dahil kung kailangang magsingaling ay di ako magdadalawang isip na mag sinungaling. Bakit? na niniwala ka bang mahal nga kita?" Para akong binagsak ng bomba sa akin mga narinig. Kung ganon lahat ng mga ipinakita at pinaramdam nito sa kanya ay mga pagkukunwari lamang pala.